Today is tuesday, pero since gabi na, tonight is tuesday night. Labo. Hahaha!
Yung napakalusog kong roommate, (Hi Jaez!), e naka-sick leave lang naman ng 3 araw.. So inshort, solo flight ako sa kwarto ngayon. Ay wait, io-on ko lang yung radio ko sa phone, sobrang nakakabingenge yung katahimikan, buti sana kung may keypad tone tong phoney ko. :D Would you believe na tinatype ko lang to sa notes? (Nakakangawit nga lang sa kamay) At ipopost ko na lang sa blog ko tomorrow, bilang may wifi ako in my dreams hahaha! Poor sof.
"I can see you're lonely.. One and only.." - Akon. Di ko lam title e, pero yan yung sound as of now. May pagsishare talaga eno? Hahaha! Yamona.
Randoooom. Yan yung opposite ng walkdoom. Hahaha! Okay okayyy.
E bilang hindi nga ako makatulog, magdidiscuss na lang ako ng top 3 na naiisip ko ngayon, as in ngayon, habang nagtatype ako. Tapos ie-expand ko na lang yung top 3 na yon.
1. Nagugutom ako. Pero tinatamad ako bumaba, lumabas at bumili. Pero ang pinaka nyan, diet daw kuno kasi ako. Di ako masyado nainform ng katawan ko. Haha. Sabi ko pa naman 'fitness 2014' ang peg ko this year! Mukhang madedelay pa ata. This jaez kasi! (Ulet!) hahaha di ka naman masyadong bida sa post na to. Hahaha. Anyway, going back.. Wow gumaganon pa hahaha. Kakambal na siguro ng sweldo ang pagkain ng masasarap na pagkaen! Para kasing lahat yakang yaka mong bilhin masatisfy lang yung gusto mo. Hello discipline, paramdam ka naman. Pero ayon nga, mukhang madedelay, ng 1 month lang naman, pagkatapos talaga ng buwan na to, seryosohan na to. Promise to my future sexy booodeeehh! ;)
2. Bigla kong nilaro kanina yung mga apps ko dito sa phone!!!! Hahaha! Candy crush, 2fuse, zombie tsunami, at temple run 2! Oo yan lang games ko sa phone, mahirap na maattach.. Sa game. Hahaha! Dati kasi (makwento ko lang).. Sobrang naadik ako sa FFS or friends for sale sa facebook. Hahaha i know xactly!!!! Yung tipong natutulog na lahat ng tao sa bahay tapos bigla kong bubuksan yung laptop na nakalagay pa sa kwarto nina mama, tapos syempre magugulat ang mama ko bat ako biglang nagbubukas sa madaling araw, tapos sasabihin ko lang, "may gagawin lang ako for school" yuuun!!! Lusot. Lam ko im not the only one. Friends, taas paa! Ayon. So anyway, ayon nga nilaro ko out of the blue, at natuwa po ako sa new update ng temple run! Hahaha! Sobrang late reaction ko man, i don't frying pan care! Sa sobrang tuwa ko pa, umupo pa ako! Hahaha kasi nakahiga na ako para matulog, tapos natuwa ako at kinarir ko! Pati pala sa candy crush! Natuwa ako kanina kasi nalagpasan ko yung level na natengga ako ng matagal. Hindi ko inexpect na malalagpasan ko yun ng ganun lang. Suuus! Kailangan lang pala ng pahinga ni candy crush!
3. This patty laurel!!!! Aside from bianca gonzalez... *Ay wait, habang tinatype ko to nakakaamoy ako ng sobrang sarap na pagkainnnn!!!! Tapos yung monster fm biglang nagcommercial ng food!!! Anobeeeh!? Temptationssss.* Going back again... Where are we? Yun, bianca gonzalez, actually, sya yung nag udyok (wow lalim) saken na magblog. Of course, not personally her, but i mean, thru her. So ayon. And this time, i got addicted reading patty laurel's blog!!!! Like, im really into it! Nagbabackread pa rin ako so far, like 2011 posts. She's so funny and real! Hahaha! Her travel posts! Ay grabe! Parang gusto kong magpackup at pumuntang ibang bansa! O di kaya kahit dyan lang sa tabi tabi. Mt pinatubo, right jaez? (Ikaw na naman omg.) Patty laurel inspired us!!!! She touched our lives! Sya na!
Ayon lang. Antok na ako.. Sana may napulot kayo sa post na to. Kahit ano man yang napulot nyo, pakipulot. Grasya yan. Hahaha! Nudaw? Lugaw. Cubao. Babao. Ay ambot! Haha
Night earthlings! Huuuugg..gies! Hahaha joke! Hug! :*
Xo, Sof