Sunday, July 21

body language

i wish i could read someone's mind. but, no, i remember that it would be better not to know all things. sometimes, i'm just afraid of getting hurt. (ouch!) save the worth-the-pain for someone who's really worth it.

as much as i wanted to jinx something, i'd rather keep it myself this time. :)

basta, i'm happy at this very moment of my life. i think, lagi naman akong masaya (hahahaha!), pero yung saya ko ngayon, medyo deep. taray, dumi-deep.

speaking of body language, would it mean something if someone put his/her head on your shoulder? nothing. i was just curios. best if it means something, but you know, we can't always have to put meanings just because we want it that way, more like it'd be best that way. :)

things are kinda going my way at some point. but i'm not sure til when it will be like that. so for now, i'll just go with the flow. :)

you, you're so good at making me curios, huh.


Sunday, July 7

Confessions..

hindi ko alam kung paano ko sisimulan.. pero bahala na. 

tao lang, nagkakagusto.
sabi ko, give up na ako sa'yo e. pero ewan ko ba. there's something in you. i just can't give up! maraming complications. andaming tumatakbo sa isip ko.. na minsan gusto ko na lang umiyak, bigla na lang akong nalulungkot. bigla ko na lang naaalala lahat. :(

sana pala hindi na lang naimbento ang magkagusto, ang maka-appreciate ng ibang tao.

minsan, gusto kong isipin na gusto mo rin ako, na naiisip mo rin ako, na ngumingiti ka kapag naririnig mo ang pangalan ko, na interesado ka rin saken. pero minsan, mas nangingibaw yung paniniwala ko na baka hindi ka naman ganon saken. nahihirapan akong intindihin ka.. mabaet ka, mabaet ka sa lahat. pwede kong isipin na mabaet ka lang talaga. na yung mga ginagawa mo saken, ay ginagawa mo rin naman sa iba. ayokong mag-expect. pero kahit di ko gustong gawin, nagagawa at ginagawa ko pa rin.

sabi ko, di kita papansinin, na kakalimutan ko na lang tong feelings ko para sa'yo. pero yun pala yung mas mahirap! :( yun pala yung mas masakit. grabe ka, wala kang kamalay malay na may nagkakaganito sayo. o baka naman alam mo? sabihin mo naman saken. iparamdam mo naman saken. handa ko namang tanggapin lahat ng sasabihin mo, kahit pa masasaktan ako, tatanggapin ko. ayoko lang umasa sa wala. ayoko ko lang masayang ang lahat. ngayon na lang ulet ako naging ganito ka-concern. wag naman sana 'kaibigan lang' ang lahat ng to. 

at sana kung nababasa mo to, sana sabihin mo saken kung may nararamdaman ka rin. hindi yung manghuhula na lang ako. kahit papano, nahihirapan rin naman akong intindihin yung mga ginagawa mo. kahit na alam kong di naman talaga para saken. gustong gusto kong ipagsigawan na gusto kita, na hindi ko kayang makita kang may kasamang iba, na may ibang nagpapatawa sayo, na may ibang nag-aalala sayo, na tinutukso ka sa iba, na nakikita mo lang ako bilang kaibigan... bakit ganon? :(

pero kung wala naman talagang 'feelings' involved, wag mo na lang sanang iparamdam o ipakita na parang meron, kung wala naman talaga.

wala akong idea kung bakit naging ganito kabilis lahat ng pangyayari. basta ang alam ko, masaya ako sa nararamdaman ko para sayo. kung ano't ano man ang mangyari in the end, at least wala akong pagsisisihan. natutuwa akong naipaparamdam sa ibang tao, lalo na sayo, yung totoo kung nararamdaman.

haaaayy.. i know i'll get through this one day. but for now, allow me to confess my emotions for someone very special to me.

let's expect the worst, and hope for the best. oh, Lord. just this one... 

leaving you with this very sweet song (na nadiscover ko lang very lately),
Michael Bublé - Close Your Eyes 




all the love,
SOFIE